wala akong maisip na titulo

pa-post naman po ulit.

madaming ala-ala ang nakasadlak sa nanakaw kong phone. tsk tsk

haaayyy… =(

Una kong inisip ay paano magkakaroon ulit ng cellphone pero sa kasamaang palad, inilantad ng aking pagninilay na malabong magka cellphone ako sa madaling panahon.

haaayyyy ulit….

Madaming bagay tumatakbo sa isip ko nitong mga nagdaan. Ngunit wala naman akong naabot na konklusyon o paglalagom.

Nababagot ako at naliligalig paminsan-minsan. Di ko naman alam kung bakit.

Marahil dulot ito ng kawalan ng mahaba-habang panahong pansarili at ng ika nga nila ay "social layp".

haaaayyyy na naman….

hhmmmmm. paulit ulit tinutugtog ang kanta ni Toni Gonzaga sa kabilang kuarto. Sinasabayan pa ng kasama ko sa trabaho. Waaaahhhh

—–

d-_-b

Leave a Reply