mayhem

Ayoko. Wala akong masabi. Ang hungkag ng pakiramdam.

Sana nasosolusyunan na rin lang ng concert ni Beyonce ang nararamdaman ko.

Ang sarap sabunutan ang sarili.

"In routine, there is complacency. And in complacency there is insatiability."

Nabubulok na kaisipan.

Nabibingi sa ingay ng mga sigaw na sa aking isipan lamang nananahan.

Di matukoy na pagnanais.

Kaloobang di-mapanatag.

"In options and variety lies the difficulty of decision."

Ayoko na. Wala akong masabi. Ke me bumasa nito o wala, wala akong pakialam.

Nais kong magtago sa mundong kinsadlakan. Kung saan maskara ay di dapat isuot.

pagtakbo ng walang pinatutunguhan ay tunay nga namang nakakahapo.

Leave a Reply