fresh from Batangas!
KAmusta mga pips! Im back!
wula lang, kababalik ko lang at ng aking grupo from Batangas which was our site of ‘choice’ for fieldwork for our three subjects under Prof. Abe. Bale 9 days kami dun at mga peasants ang aming subjects. Interviews, FGD(kunwari lang,kac d tlg kami marunong nito), at day-with-a-farmer ang naging drama namin dun. Nag-staykami sa pinsan ko na may 3 anak at ang sawa nya ay caretaker/ overseer ng mga manok na ang bawat isa ay d bababa ng 30T (pagmamayari ng isang mayamang nilalang); kung kaya’t ang aking bayaw ay may shot gun at tuwing gabi ay naghuhunt ng mga musang aka wild cats.
Panalo ang experience na to! d lang to basta academic experience, may mga happy moments din courtesy of my groupmates anne, marbi and jc but of course may mga samu’t saring drama ng buhay ang aming nalasap courtesy naman ng aming paggiging neophyte at outsiders.
Medyo na-culture shock ako sa pananaw at way of life ng mga taga-nayon, pinag akalaan pa kaming mga tuta ng mga kapitalista at ang lahat ay na-praning kami’y nilayuan (!). Syempre tinxt namin si sir abe to heed for help kaso ang Prof. na ito ay di namin mahagilap. Ewn ko sna sufficient naman ung ginawa namin to solve the dilemna.
Marami kasing issues ung place like the ff: (1) kinakamkam ung lupa nila ngunit ung mga nangangamkam wala namang titulo na maipresenta, (2) 2 ung mayors na nag-ki-claim nung position-sina Corona at Torres, thereby wala masyadong magsasaka, kagawad at Kapitan na makapag assist sa min dahil nasa Bayan sila which is 15 km away upang magpiket (3) natanga kami kasi d namin na consider ung mga culture specific beliefs, ways, taboos, concerns, chuvas nung mga pipol kaya’t ayun parang alam nyo un u mean good but they perceive it negatively…mga ganong echus…
Kapag ikinukwento ko ito sa mga katauhan sinsabi nilang mganda itong ilagay dun sa outcome study namin and I agree kaso u just cant erase the turmoil I’ve felt especially because nagka-mini conflict kami sa mga contacts namin who are my relatives and since this has a personal overtone parang di naman ata ganun kadali na after I document it okay na ang lahat lalo na from their point of view.
Napansin ko rin na talagang hindi balanced and media.. for one ang tagal tagal na nung issue but still hindi siya ganun ka-popular sa ibang place, sabi nila (read: kuro kuro nila) na nabayaran daw ang ilang mga stations kaya’t ganun, minsan na-ti-twist pa yung facts kaya’t iba ang nasasagap na balita ng mga taga ibang lugar. Aun!
Pag andun ka sa lugar na un parang ang bagal ng lahat, (un e kung wla kng ginagawa), parang isolation mode ang drama na parang magugulat ka na my bgo pala sa labas ng Maria Paz (un ung Brgy. na pinag stayan namin) like the landslide incident. Eon lang….
Anu pa ba, aun na miss ko ang toilet namin sa bahay…Batalan style kasi ung c.r. dun (pasintabi sa mga kumakain) hiwalay ung liguan sa bawasan. Tas ung bawasan walang toilet bowl (!) hukay lang sya tas may bamboo chorvallooo…ang galing ni anne kasi orayt lang ung pagbawas nya but for the rest hindi. Ako, ung bale dumating kami dun ng Feb.11, tas un din ung last kong pagbabawas sa house namin, tapos Feb.14 na yung next kong sched sa Mcdo, Tanauan (harhar oo nagmilagro ako dun–sori Jc, lam kong pinag antay kita non), tapos bale twice lang akong naka use non… so aun kahapon po kami nakauwi Feb.19.
Kahapon nga nostalgic mode ako sa bahay e. Kakaiba pala ung thought na eto ka na at nakauwi, in a way parang natutuhan ko ring ma-acculturate dun. nakakatuwa din ung isa sa mga interviewees namin, sila nanay onyang. Ever happy and welcoming with their binatog. Nag-hiking pa nga kami nung Feb.17 sa may overlook. tanaw ang kabuuan ng Taal at partial ng tanauan. It was a tedious clim but the scene at the top was breathtaking sobrang worth it, tapos may endorphin rush ka pa kaya di mo masyadong feel ung pagod.
Ay, may isang highlight pa pala dun, un ung nung Feb.14, ang daming nangyari nun. Bale maaga kami umalis ni Jc para mamalengke, mga 8:00 am tapos naka balik kami 1:30pm na (!) grabe walang marunong sa amin nung pamamalemgke, tawad blues (but the sellers wouldn’t concede) and then pag-uwi namin ayun, depress mode na kasi may nag-boom na masamang balita–I really thought na dapat umalis na kami dun sa place, ngunit awa naman ng Dioys, d naman nangyari un…tahimik mode pa koh.. May nagchuchuva pa sa aking tao na unidentified and gender preference dahil sa inconcsistency nya (basta pepperish sya) na nagngangalang ‘Mhon’. Feeling ko ginagamit lang nya ko for his ulterior motives which are numerous and which are topics that I am kinda prohibited to disclose… ^_^’
Muah! un na lang muna at nay gagawin pa pal akong pagreresearch dito sa net… wuuuhhhh! hello din sa iba ko pang mga block mates na sa ngayon ay nagfifildwork pa kung saan saang lupalop like pampanga and banawe (?)…
so long!